Free Essay

Bakit Kailangan Ko Pang Mag Log in : Isang Pananaliksik

In: Business and Management

Submitted By ohohpenpen
Words 716
Pages 3
Ikaw na nagbabasa ngayon, pustahan tayo, ayaw mo ng math. Maraming estudyante, matalino man o hindi, taga-kolehiyo o mataas na paaralan, Pinoy o Amerikano, pribadong paaralan o publiko, mataba o payat, ang nasisindak sa lagim at panay ang reklamo sa hirap na dulot nito. Bihirang-bihira ang makakita ng taong lantarang sasabihin ang kahiligan sa mga nakababasag ulong mga cosine function o logarithmic expressions. Ngunit, bakit ganito na lamang kanegativo ang reaksyon nating mga estudyante sa asignaturang ito? Inisa-isa ni Wichael (n.d.) sa artikulo niyang “Why some teens dislike math and science” ang mga dahilan kung bakit kinapopootan ang hilig ng mga walang malay na matematisyan. Ang ilan sa kanyang mga punto ay bibigyang linaw sa mga sumusunod na talata: Kawalan ng Pagunawa. Ang isa sa mga pinaka karaniwang katwiran ng mga estudyante ay ang kawalan ng pagunawa sa isa o dalawang mga aralin ng kurso. Madalas, sa matematika, ang pagkakaturo ng mga leksyon ay sa paraang mula sa pinaka madali hanggang sa pinaka mahirap, at kung ang estudyante ay mawawalan ng pagunawa sa bandang gitna ng proseso, mararamdaman niyang siya ay “nawawala”. Mas mapapalala ang sitwasyon kung iba-iba ang bilis ng pagkakatuto ng isang lupon ng mag-aaral: may mga maiiwan, may mga mauuna, at walang magagawa ang guro kundi magpatuloy sa pagtuturo. Maaari ring hindi sanay sa matinding pagaaral sa bahay ang bata, o magulo ang pagkakaturo ng leksiyon. Gayunman, kung hindi naiintindihan kahit ang pinaka konsepto man lang ng mga aralin, talagang mahihirapan ang estudyante na makaunawa ng mas mahihirap at mas matataas ng antas ng leksiyon. At kung hindi naiintindihan ang ginagawa, babagsak, maiinis. Sino bang hindi maiinis sa isang bagay na nagdudulot ng pagkababa ng moralidad? Sa kalaunan, aayawin ang math. Iba't-ibang Sistema ng Pagtuturo at Learning Style. Marami nang nabuhay na guro sa mundo, marami nang nabuhay na guro ng matematika. Malamang mas marami rin ang kanilang pagkakaiba sa sistema ng pagtuturo. May mabilis magturo, may pang-elementarya; may gumagamit ng projector, may chalk-and-mouth; may pinagpapawisan sa sobrang pagkabibo, meron rin saksakan ng katamaran. Ang lahat ng ito ay nakakaafekto sa mabisang pagkaunawa ng estudyante. Iba’t-iba rin ang paraan ng pagkakatuto na angkop sa isang estudyante. May gusto ng hands-on, may gustong kumopya lang ng notes, may gusto ng nakikinig lang nang walang hawak na lapis, at may gusto na ang aklat na lamang ang sanggunian imbis na ang guro mismo. Kung hindi sumasang-ayon ang sistema ng guro sa learning style ng estudyante, maaaring hindi agad makukuha ang punto ng aralin. Magkakaroon ng estado ng “pagkawala”: hindi maiintindihan ang leksiyon, babagsak, samakatwid lilitaw ang malinaw na pag-ayaw sa matematika. Kawalan ng Pagpapahalaga. “Magchechef ako, kaya hindi ko na kailangang pagaralan kung paano makukuha ang value ng x.” “’Pag nanganak ba ako, matutulungan ako ng mga trigonometric identities?” “Hindi mababalik ng cubic function ang cellphone na kinupit nila sa akin, aanhin ko pa yan?” Isang beses sa iyong buong buhay ng pagaaral, malamang naitanong mo na sa sarili mo ang isang tanong halintulad ng mga nasa itaas. Kapag hindi natatagpuan ng isang estudyante ang kahalagahan ng kaniyang pinagaaralan, lumalago naman ang pagkamuhi. Kung sa bagay, bakit mo pa pagaaralan ang isang bagay na walang naidulot na maganda sa iyo? Wala namang mali sa mga katwirang iyan, kaso, may nakaligtaan ka lang na magandang maidudulot sa iyo ng matematika. Kailangan mo nga lang munang maintindihan na hindi lang puro delubyo at pabagsakbagsak na grado ang “biyaya” ng asignaturang ito. Hindi mo namamalayan, tahasang nahahasa na ang iyong critical thinking, at sa tuwing nakukuha mo ang tamang sagot sa mga problemang binibigay sa iyo, nabibigyan mo ng lakas ng loob at kumpiyansa ang sarili mo upang bigyang solusyon ang mga mas mabibigat na dagok sa buhay na mararanasan mo.
Totoong hindi natin mapipilit sa isang tao ang pagkaing ayaw niyang lunukin o nguyain. Gayunpaman, hindi mapagkakaila ang kahalagahan ng matematika kung maglalayong maging isang prufesyonal na manggagawa ng isang mag-aaral. Marahil ay magiging mainam kung gagawing banaag ng pag-asa ang katotohanang laging mas nakalalamang ang karunungan sa katalinuhan.
Sanggunian: Wichael, A.M. (n.d.) Why some teens dislike math and science. Retrieved on January 31, 2011: http://www.helium.com/items/2076811-why-some-teens-dislike-math-and-science.…...

Similar Documents

Free Essay

Isang Paghahambing Na Pag-Aaral Sa Epekto Ng Paninirahan Sa Dormitoryo at Sa Sariling Tahanan Ng Mga Mag-Aaral Sa Unang Taon Ng Unibersidad Ng Manila Sentral Sa Kursong Parmasya

...napipilitan o di kaya’y gustong manirahan sa boarding house o sa mga dormitoryo. Ayon sa isang pag-aarral sa Colorado College, USA nina de Araujo at Murray noong taong 2010, merong sapat at magandang dahilan ang pagtira sa isang dormitory, maliban sa hindi problema ang mga gawaing pambahay, ito daw ay pwedeng magkaroon ng magandang epektong pang-akademiko sa isang estudyante. Inilahad naman ni Thompson et al (1993) karamihan sa mga naninirahang mga mag-aaaral sa unang taon sa kolehyo na nakatira sa mga dormitoryo ang nakakapagtapos sa kolehiyo. Halos lahat ng mga pag-aaral kabilang ang mga nabanggit ay nagsasabing merong magandang epekto pang-akademiko ang pagtira sa ganitong pamayanan. Subalit, hindi nito mabubura ang katotohanang mahirap at maraming pagsubok ang kakaharapin ng isang estudyanteng naninirahan malayo sa kanilang pamilya lalo na kung unang beses niya itong gagawin. Ayon kay Joshua Huffman (2010), maaring magdulot ng mga masamang epekto ang pag-dodormitoryo. Inilahad niya na bagamat maraming pwedeng matutunan ang isang mag-aaral sa paninirahan sa ganitong pamayanan ay hindi maiiwasan ang laki ng gastos na kakaharapin nito at hindi rin sila nalalayo sa peligro lalong lalo na kung ito ay nasa labas ng unibersidad. Maaring matuto ng mga masasamang bisyo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga dorm mates. Dagdag pa ni Huffman, sa haba ng araw na pamamalagi ng isang mag-aaral sa dormitoryo ay hindi nito maiiwasan ang pangungulila sa kanyang pamilya at......

Words: 836 - Pages: 4

Premium Essay

Social Networking: Epekto Sa Komunikasyon Sa Pananaw Ng Mag-Aaral Sa Ikatlong Taon Sa Kolehiyo Ng Komunikasyon Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas Taong Aralan 2011-2012

...NETWORKING: EPEKTO SA KOMUNIKASYON SA PANANAW NG MAG-AARAL SA IKATLONG TAON SA KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG ARALAN 2011-2012 Bilang Pinal na kahingian sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FILI 2023) Ang mga Mananaliksik De Jesus, Von Denise B. Guevara, Risheill D. Hife, Eliene M. Latigar, Dianne M. Losaria, Jonathan L. Lumanta, Koryn M. Mendoza, Shekinah Marie, D.C. Miranda, Junel N. Velasco, Princess Ivy M. PEBRERO 2012 KABANATA 1 Ang Suliranin at Kaligiran ng Kasaysayan PANIMULA Ang tao, mula pa noong una, ay may sistema o kaayusan na sa mga bagay-bagay. Ang tao ay isang espesyal na nilalang sapagkat sa lahat ng uri ng nilalang na nabubuhay sa mundo. Tanging ang tao lamang ang may kakayahang mag-isip at i-uri ang tama sa mali, makaintindi, makaunawa at marami pang iba. Isa sa mga salik upang magkaintindihan o magkaunawaan ang bawat tao ay ang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng tinatawag na wika. Ayon sa wikipedia, ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pagpapalitan ng impormasyon sa isang tiyak na sistema ng mga simbolo, isang payak na paliwanag. Ilan sa mga iskolar at matatalinong tao ang nagbigay pa ng konkretong pagpapakahulugan sa wika at sa komunikasyon. Ilan sa kanila ay sina Archibald Hill, Henry Gleason, Sapir, Aristotle, Alcomtiser, Reynaldo Cruz, at marami pang iba. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay isang anyo ng simbolikong pantao na......

Words: 10737 - Pages: 43

Free Essay

Epekto Ng Social Networking Sa Mga Piling Mag-Aaral Ng Bsis-1a Taong Aralan 2010-

...Epekto ng Social Networking sa mga Piling Mag-aaral ng BSIS-1A Taong Aralan 2010-2011 ng University of Caloocan City Pangkat VI: Alcera, Igie Ralph T. Anselmo, Marnie Nadyne L. Azcarraga, Jerson E. Bebat, Gerlie BSIS - 1A Dr. Carmelita Alejo Talaan ng Nilalaman Kabanata 1 --------------------------------------------------------------- 4 Panimula ----------------------------------------------------------- 4 Sanligang Kasaysayan -------------------------------------------- 4 Balangkas Teoretikal --------------------------------------------- 8 Balangkas Konseptwal -------------------------------------------- 9 Paglalahad ng Suliranin ------------------------------------------- 10 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ------------------------------ 10 Katuturan ng talakayan ------------------------------------------- 11 Kabanata 2 ----------------------------------------------------------------- 13 Banyagang Literatura --------------------------------------------- 13 Lokal na Literatura ------------------------------------------------ 14 Banyagang pag-aaral ---------------------------------------------- 17 Lokal na Pag-aaral ------------------------------------------------- 18 Kabanata 3 ------------------------------------------------------------- 25 Pamaraang ginamit --------------------------------------------- 25 Paraan ng pagpili ng respondente ---------------------------- 25 Deskripsyon ng mga respondent ------------------------------......

Words: 6528 - Pages: 27

Free Essay

Akala Ko

...AKALA KO Akala ko tayo na, akala ko ikaw na. Akala ko ako lang….akala ko hindi ka bibitaw…..akala ko nga lang lahat ng iyon…… Magta-tatlong buwan na simula ng iwan ako ng boyfriend ko. Pero bakit habang mas tumatagal, mas sumasakit, mas lalong humihirap sa akin na tanggapin na ipinagpalit niya ako sa mismong bestfriend ko pa! Sinayang niya ang tatlong taon at tatlong buwan na relasyon naming. Ang sakit! Sobrang sakit! Iyong bang plinano niyong dalawa ang future niyo tapos hindi naman pala kayo pagdating sa dulo. Sabi niya sakin, papakasalan niya ako, magkakaanak kami, tapos sabay kaming tatanda at sa dulo kami pa rin. “I try not to miss you, I try to let go, but in the end you’re always on my mind.” Hawak ko ang cellphone ko at nagpapatugtog ng biglang tumunog iyong themesong naming dalawa. Mahal na mahal ko siya. Since sakaniya lang ako tumagal ng 3 taon at 3 buwan, away bati kami noon. Pero inintindi parin niya ako hanggang sa dulo. Akala ko noong nag cool-off kami babalik pa siya, iyon pala ay hindi na. Tuluyan na kaming nagbreak sa kadahilanan na may iba na siyang mahal. Tandang –tanda ko pa tatlong buwan na ang nakakaraan nang maghiwalay kami. Hindi na daw niya matiis ang pagiging childish ko. Hindi na daw niya makaya ang kaartehan na meron ako. Nakipag break siya sakin in person. Deep inside ang sakit non ahh! Awwwwtsssuuuuu. Iyon na ang pinakamsakit na break up na natanggap ko. Kasi hindi ako nagkaroon ng official break up sa mga nagging ex ko noon, puros......

Words: 665 - Pages: 3

Free Essay

Persepsyon Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Angeles University Foundation Hinggil Sa Ikatlong Kasarian

...PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION HINGGIL SA IKATLONG KASARIAN __________ IsangPapelPananaliksik Iniharapsamgaguro ng Fil02 __________ IsangBahagi ng mgaGawaingKailangan Sa Pagpasasa Fil02 _________ nila: Arrozal, Mikee B. Carlos, Carla Mae F. Cortez, Donna Fe Guinto, Nickey Y. Gutierrez, Shiela Mae Magbag, Sarah Manalang, Daryll C. Tallorin, Justine Marie V. DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang isang bahagi ng kailangan sa asignaturang Filipino 02a, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION HINGGIL SA IKATLONG KASARIAN” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa seksyong BS PSY ng Angeles University Foundation, S.Y. 2013-2014, ika-unang pangkat at itinagubilin sa guro para sa kaukulang PASALITANG EKSAMINASYON. Mga Mananaliksik, Arrozal, Mikee B. Carlos, Carla Mae F. Cortez, Donna Fe Guinto, Nickey Y. Gutierrez, Shiela Mae Magbag, Sarah Manalang, Daryll C. Tallorin, Justine Marie V. Mrs. Mary Grace S. Razon Guro March 12, 2014 Petsa PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong naging susi upang maikasatuparan ang pananaliksik na ito. Sa mga respondyente na nagbigay ng kanilang oras at malugod na sinagutan ang sarbey kwestyoner na inihanda ng mga mananaliksik na nagbigay ng mga datos na kailangan sa pananaliksik na ito. Kay Gng. Mary......

Words: 17158 - Pages: 69

Free Essay

Suliranin Ng Mga Working Student Sa Amaer: Isang Pag-Aaral

...Sa dinami-dami ng mga sikat at malalaking unibersidad sa Kalakhang Maynila, bakit sa AMA nila napiling mag-aaral? Ayon sa isang respondente na aming nakapanayam, ang AMA ay ang nangunguna sa lahat pagdating sa kursong Information Technology na ayon din sa kanya ay in-demand sa ating bansa ngayon. Makabago daw ang pasilidad at teknolihiyang ginagamit sa nasabing unbersidad na hindi makikita sa iba. Ngunit paano niya nasabing nangunguna ang AMA pagdating sa kursong nabanggit? Ang AMA Computer University na kilala din dati bilang AMA Computer College (AMACC) at AMA Technological School (AMATS), ay itinatag ni Dr. Amable R. Aguiluz V. Ipinangalan niya ang unibersidad na ito sa initials ng kanyang ama na si Amable Mendoza Aguiluz. Nakita ni Dr. Aguiluz Sr. ang demand para sa mga fully trained computer professionals ng ating bansa. Ngunit, walang institusyon ang may gustong magtayo ng kolehiyong nagbibigay ng computer education. Ngayon, nabigyang buhay na ang kanyang bisyon sa pamamagitan ng kanyang anak. Itinayo niya ang AMA Institute of Computer na binansagang kauna-unahang computer school sa Pilipinas na binuksan sa Shaw Boulevard noong Oktubre 20, 1980. Kinikilala din ang AMA bilang isa sa pinakamagaling na unibersidad pagdating sa kursong Information Technology na ngayon ay nagdagdagan pa ng ibang kurso tulad ng Nursing, Accountancy, Mass Communication, at marami pang iba. Hindi na katakataka kung bakit napili ng aming nakapanayam ang unibersidad na ito. Bukod sa magandang......

Words: 2497 - Pages: 10

Free Essay

3, 3, 3 at Isa Pang 3

...3,3,3 at isa pang 3 Kain, tulog, aral. Kain, tulog, aral. Kain, tulog, aral. Kain, tulog, aral. Daily routine ng mga estudyanteng gustong makapagtapos ng pag-aaral. Naaalala ko pa, high school student pa lamang ako at iba pa ang pananaw ko sa buhay. Parang lagi na lang napakarami ng gagawin at lagi na lang akong nag-iisip kung bakit kailangan ko pang magtapos samantalang maaari naman akong magtinda na lamang kung saan, mabubuhay pa rin naman ako kahit hndi ako nagtapos hindi ba? Nagbago ang pananaw ko sa buhay noong 4th year high school na ako at handa na akong harapin ang hamon sa akin ng buhay. Binabalak ko na hindi na pumasok ng kolehiyo kahit na alam ko na may sapat naman kaming pera para matustusan ang aking pag-aaral. Nagbago ang lahat ng makita ko ang dati kong kaibigan, si kuya Eman. Magaling siya, matalino at napakabait. Tinanong ko siya kung bakit pagala-gala lamang siya sa kalye gayong dapat ay nag-aaral sya. Isang malungkot na ekspresyon ang naging sagot niya sa akin. Binigyan niya ako ng payo na mag-aral ako at tumuloy ako sa kolehiyo dahil ito lamang ang tanging magiging panlaban ko sa buhay at ito rin ang unang pundasyon ko upang makatayo ako sa sarili kong mga paa. Napaka swerte ko daw sapagkat nariyan pa ang mga magulang ko upang sumuporta sa akin. Sa tuwing ako daw ay pagsasabihan huwag daw akong magalit dahil is lang ang ibig sabihin nito, mahal ako ng mga magulang ko kaya gusto nila akong i-tama. Sa ngayon ako ay isang second year college student na at...

Words: 366 - Pages: 2

Free Essay

“Epekto Ng Labis Na Pagkahumaling Sa Kpop Ng Mga Piling Mag-Aaral Ng Marketing Management Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas”

...nito. Sa pamamagitan ng mga teknolohiya, mabilis na sumikat, nakilala, at naipakalat ang “KPOP” na musika sa buong mundo, gaya na lamang ng “youtube” na kinalalagyan ng iba’t ibang “video.” Ito ang nagiging daan upang makilala o malaman ng mga tao ang mga bagong musika sa panahon ngayon. Maaari rin ang iba’t ibang “website” sa “internet,” gaya ng “facebook,” “twitter,” at iba pa. Maging sa telebisyon ay naipapalabas ang mga grupo na mga koreano na gumagawa ng mga kantang “KPOP.” Bukod sa galling kumanta at sumayaw ng mga koreanong kabilang sa isang grupo na gumagawa ng kantang “KPOP,” dahil na rin sa ganda, gwapo, at galling nilang pumorma kaya naman madali nilang nakuha ang atensyon ng maraming tao, partikular mga tinedyer. “KPOP” o “Korean Pop” ay isang uri ng musika na nadebelop sa bansang Korea kaya naman puro koreano at koreana ang mga gumagawa ng mga kanta nito na nakasalin sa kanilang sariling wika. Ang mga kabilang sa isang grupo ng mga koreano ay hindi lamang magaling sumayaw at kumanta, lahat sila ay magaganda at gwapo na nakakaakit sa maraming tao. Ang ilang mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na kasalukuyang kumukuha ng kursong “Business Administration major in Marketing and Management”, ay mapapansing maraming tumatangkilik ng musikang “KPOP.” Mapapansin ito sa musikang kanilang kinakanta o pinakikinggan ng madalas, pananamit, pagsasalita,at kanilang mga kagamitan. Ito lamang ay patunay na kadalasang tinedyer talaga ang naaakit sa......

Words: 4088 - Pages: 17

Free Essay

Epekto Ng Social Networking Sa Ating Ekonomiya: Isang Pag-Aaral

...Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya: Isang Pag-aaral Kabanata I: Suliranin at Kaligiran 1 Panimula: Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible. Ang lahat ay abot kamay na lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isangpindot lang ay maaari nang maabot ang iba’t-ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o pinakamalayo man ng dahil sa social networking. Tunay na nagiging napakatalino na ng tao, sana ay huwag siyang makalimot na sa lahat ng ito ay manguna pa rin angpagkilala sa Dakilang Lumikha ng lahat. Ang Social Networking aymaraming naidudulot na kabutihan subalit maaari ring magdulot ngkasamaan kung pagmamalabisan. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, unti-unti na ring napadali ang paraan ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan at nakilala ang pagkakaroon ng internet. Ang internet o sapot-ugnayan ay isa sa pinakapopular na naimbento sa kasalukuyangpanahon na naglalayong pagaanin ang pamumuhay ng tao at mas palawigin pa angkomunikasyon. Ito ay isang global computer network kung saan mapagkukuhanan nghalos lahat ng 2 impormasyong kailangan ng tao nang walang kahirap-hirap. Ang pagkilala ng tao sa internet ay hindi na maiiwasan at maikukubli. Ayon sa mga sarbey na isinagawa sa New Zealand, halos 49% ng populasyon ang gumagamit ng internet para sa pampersonal na gamit nang hindi bababa sa isang araw. Sapananaliksik naman na isinagawa ng National Geographic Society (2000), nabatid nilana ang e-mail ang isa sa naging pangunahing dahilan ng paggamit......

Words: 2268 - Pages: 10

Free Essay

Pananaw Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikaapat Na Baitang Ng Sekondarya Ng Colegio de San Juan de Letran Calamba Sa Pagpili Nang Nais Na Kurso Sa Kolehiyo

...Pananaw ng mga piling mag-aaral sa ikaapat na baitang ng sekondarya ng Colegio de San Juan de Letran Calamba sa pagpili nang nais na kurso sa kolehiyo KABANATA 1 Sanligan ng Pag-aaral Panimula Ang edukasyon ay importante sa bawat isa sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao. Ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at simple na pamumuhay. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabuksan ng estudyante. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyante na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili sa kung anong kurso ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo sapagkta ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa artikulo nina Rodman Webb at Robert Sherman (1989), kanilang binahagi na ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagpaintindi sa atin na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan ng mabuti. Sa pahayag ni Abeliade (1995), kanyang inisaad na ang pinansyal na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga magsisipagtapos ng......

Words: 1275 - Pages: 6

Free Essay

Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Sigarilyo

...University of Perpetual Help System Laguna – Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna “PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG PANINIGARILYO” Isang Pamanahong – Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Arte at Siyenya DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito napinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo Ipinasa Nina: * Acero, Aphodite Venus P. * Francisco, Precious Joy G. * Gigawin, Madel Angela P. * Ocampo, Lois Ma. Levine B. * Roscain, Shien G. * Zamora, Rick Raymund B. PASASALAMAT Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito kay Ginoong Villanueva ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapagandaat mailathala ang aming papel,- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ngmahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ngkabutihan na lubos na nakatulong sa amin,- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindiako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upangmatapos ang aking pinaghirapang trabaho. Muli, maraming-maraming salamat...

Words: 2856 - Pages: 12

Free Essay

Isang Pag-Aaral Tunkol Sa Mga Kabataang Sangkot Sa Maagang Pagbubuntis

...pagtatalik. Ayon naman sa World Health Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Hindi ba kabahabahala ang mga balitang ito? Sa lumalaking populasyon ng bansang Pilipinas dahil sa minu-minutong pagsilang ng mga bata sa mundong ibabaw, kagulat-gulat na may malaking parteng ginagampanan dito ang mga kabataan. Ang buhay sa kasalukuyan ay nagbabago, lalo na para sa mga kabataan, masyado na silang nagiging liberal sa pag-iisip lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa sex. Kung dati ay susuyuin o liligawan ng mga lalaki ang babaeng kanilang natitipuhan upang mapasagot ito, ngayon kahit sa isang text lamang na punung-puno ng pambobola ay nabibighani na at napapasagot na ang ilan sa kanila. At sa kasamaang palad, mayroong mga lalaking yayayain silang lumabas at pagkatapos ay dadalhin ang mga ito sa isang liblib na lugar at pipiiting gawin ang isang bagay na dapat lamang ginagawa ng isang mag-asawa, ang pagtatalik. Ito rin ang nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng maraming kabataang babae ngayon. Ang isyung ”maagang pagbubuntis” ay napakatagal nang problema ng ating lipunan at sa kasalukuyan, palala at palala pa ang isyung ito. Napaka sakit tanggapin ang katotohanan na sa murang edad, karamihan sa kabataan ngayon ay may sarili ng mga anak at naghihirap itaguyod ang mga ito dahil na rin sila ay musmos pa sa pagiging mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipamulat sa mga kabataan ang masasamang epekto ng sobrang......

Words: 4379 - Pages: 18

Free Essay

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Mga Batayan Ng Pagiging Isang Ideyal Na Pinuno

...Maynila Main (Mabini) Campus Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika Departamento ng Filipinolohiya Taong 2009-2010 ISANG PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA BATAYAN NG PAGIGING ISANG IDEYAL NA PINUNO Isang Pag-aaral na iniharap sa Kaguruan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang Kahingian sa Filipino 1023 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Mananaliksik: Agulay, Vivian Zen D. Taon/Kurso/ Seksyon: BSBA-HRDM I-2d Propesor: Gng. Victoria Apigo Pebrero 2010 PANIMULA “Pagbabago sa isip, sa salita at sa gawa” Isa lamang ito sa mga di maubos na daing ng mamamayan kung ang pag-uusapan ay ang pulitika. Sa kadahilanang naging saksi ang bayan sa nakalululang paglalantad ng iba’t ibang kaso at eskandalo sa pamahalaan. Marami man ang nawawalan na ng pag-asa subalit simple lang ang mensahe ng pagbabago at may posibilidad na ito ay mangyari pa sa henerasyon ngayon. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isang mabisang instrumento upang muling gisingin ang nahihimlay na diwa ng taumbayan pagdating sa usaping pulitika. Sapagkat nasa kamay ng mga susunod na pinuno ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. Gayunpaman, nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Sa tulong nito ay may posibilidad na mabago ang persepsyon ng mamamayan sa tamang pagpili ng nararapat na mamuno ng bansa. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang-linaw ang mga haka-haka ng taumbayan tungkol sa kung may pag-asa pa kayang makabangon ang......

Words: 6865 - Pages: 28

Free Essay

Buhay Ko O Buhay Mo

...ako’y papatayin, ngunit wala naman. Natagpuan ko ang aking sarili na naglalakad kasama ang dalawang malaking lalaki na naka-amarikanang itim. Nakahawak sila nang napakahigpit sa aking mga braso’t balikat na para bang ako’y tatakas. Sinusundan namin ang isang daan na yari sa malalaking parisukat na bloke ng semento. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin kaya siguro ako natatakot. Hindi ako nangahas na tingnan ang kanilang mga mukha sa takot na saktan nila ako. Umaga ito dahil mahamog…malamig…hindi gumagalaw ang sariwang hangin…umumugong sa akin pandinig ang ganap na katahimikan ng paligid…mababa pa ang araw sa aming likod. May mga kalat-kalat na batang puno ng Acacia na nagsasala ng kaunting liwanag at gumagawa ng mahahabang puting guhit sa ere sa ibabaw ng malawak at madamong loteng ito. Hindi kalayuan mula sa lugar kung saan simula kong malaman ang mga pangyayari, may nakita akong pitong parihabang hukay sa kaliwa ng daan. Naisip kong maaaring magkasya sa isa doon ang isang tao kung nakahiga! Saka nagtanong sa aking sarili, “Para saan kaya ang mga ito?” Sa ‘di kalayuan, may naaaninag akong isang malaki at maitim na bahay na napapalibutan ng matatandang puno ng Acacia. Siguro, doon kami tutungo. Natatakot ako… Habang lumalapit kami, mas malinaw kong naaaninag ang bahay sa mas numinipis na hamog. Hindi ko maintindihan kung ito ay luma o bago dahil sa nakakaasiwa nitong anyo. Pumasok kami sa isang bukas na pinto sa gilid ng bahay. ......

Words: 2155 - Pages: 9

Free Essay

Minsan My Isang Puta (2007)

...ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo. Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko. Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat...

Words: 1151 - Pages: 5